Isinusulong sa Kamara ang panukalang palawakin ang saklaw ng mental health services na sakop ng PhilHealth, sa pamamagitan ng House Bill No. 2933. Layunin ng panukala na isama ang mental health emergency, psychiatric, at neurological services sa outpatient benefit package ng ahensya.
Ayon sa panukala, kinikilala ang kakulangan ng mga pasilidad at serbisyong pangkalusugang pangkaisipan sa bansa. Sa kasalukuyan, P9,000 kada taon ang inilaan para sa General Health Services at P16,000 para sa Specialty Health Services ng PhilHealth outpatient benefits.
Itinutulak ng panukala na dagdagan at palawakin pa ang benepisyo upang matugunan ang mataas na gastusin sa pagpapagamot ng mga mental health disorder at mapalawak ang access ng mga pasyente sa kinakailangang serbisyo.