-- ADVERTISEMENT --

Ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paghahanda ng isang executive order (EO) na magtatakda ng floor price sa pagbili ng palay upang maprotektahan ang mga magsasaka laban sa pandaraya ng ilang trader tuwing anihan.

Kasabay nito, inatasan din ng Pangulo ang Department of Agriculture na ipatupad nang buo ang Sagip Saka Act of 2019, na nagbibigay-daan sa mga ahensya ng gobyerno at lokal na pamahalaan na direktang bumili ng produkto mula sa mga magsasaka at mangingisda.

Binanggit ni Marcos na kahit bumababa ang presyo ng bigas sa pamilihan, patuloy namang lugi ang mga magsasaka dahil sa mababang presyo ng palay.

Inirekomenda rin niya ang pagsusuri sa charter ng National Food Authority upang ibalik ang tungkulin nito sa pagpapatatag ng presyo at hindi umasa sa importasyon.

Dagdag pa rito, iminungkahi ang pagbuo ng Congressional Commission on Agriculture, Fisheries and Food Security upang masuri ang kalagayan ng agrikultura at makapagpanukala ng mga reporma.

-- ADVERTISEMENT --

Giit ng Pangulo, kailangang mapababa ang gastos sa produksyon at mapataas ang ani upang makipagsabayan ang lokal na bigas sa imported na produkto.