-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard at Philippine Space Agency (PhilSA) na debris mula sa rocket ng China ang nakitang umusok at sumabog na bumagsak sa karagatang sakop ng Puerto Princesa pasado ala-6:00 gabi ng Lunes, Agosto 4, 2025.

Nabalot ng pangamba ang maraming residente sa Palawan lalo na sa lungsod ng Puerto Princesa ang nadinig na malakas na pagsabog at makitang may umuusok sa kalangitan ng Palawan.

‘The Philippine Space Agency (PhilSA) confirms the launch of the Long March 12 rocket from the People’s Republic of China. Expected debris from the rocket launch was projected to have fallen within the identified drop zones approximately 21 NM away from Puerto Princesa, Palawan and 18 NM away from Tubbataha Reef Natural Park.

Ang Long March 12 rocket ay inilunsad mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan dakong alas-6:21 gabi ng Lunes, oras sa Pilipinas.

-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang PhilSA sa mga mamamayan na huwag hawakan ang anumang makitang debris sa naturang lugar.