KALIBO, Aklan–Hindi nabigo ang ilang atletang Aklanon matapos na masungkit ang gintong medalya sa kanilang pagsali sa 3rd Asian Pencak Silat Junior Championship 2025 na ginanap sa Sher-i-Kashmir Indoor Sports Complex, Srinagar sa bansang India mula noong Setyembre 25 at magtatapos ngayong araw ng Martes, Setyembre 30, 2025.
Napasakamay nila Zyche Mae Jizmundo; Mikhaila Marie Zomil Regalado; Lyca Pascual ang gintong medalya sa Pencak Silat Regu Girls.
Habang unang gintong medalya naman para sa Pilipinas ang nasungkit ni Mary Chantal Rain Jizmundo sa Solo Creatibve Category.
Maliban dito, naka-ginto rin si Zyche Mae Jizmundo sa Tunggal female category.
Samantala, hindi rin nagpahuli sina John Jems Jizmundo; Edilberto Cipriano; at Jarred Mabasa gayundin sina Stephanie Cipriano at Lyca Pascual iba pang kategorya.
Ang 3rd Junior Asian Pencak Silat Championship 2025 ay sinalihan ng mga atleta mula sa iba’t ibang bansa sa Asya.
Ang nasabing kumpetisyon ay kinabibilangan ng iba’t ibang timbang at disiplina gaya na lamang ng tanding o sparringg at seni o artistic.
Layunin ng hosting na palakasin ang sporting profile ng Jammu & Kashmir, hikayatin ang mga kabataan at suportahan ang pagpapaunlad ng lokal na martial arts.