-- ADVERTISEMENT --

Sa pagtalakay ng Kamara sa panukalang ₱6.793 trilyong 2026 national budget, muling binatikos ang paglilipat ng halos ₱60 bilyong hindi nagamit na pondo ng PhilHealth sa Bureau of Treasury noong 2024.

Tatlong petisyon na ang nakabinbin sa Korte Suprema laban sa transaksiyon.

Ayon kay Finance Secretary Ralph Recto, handang ibalik ng gobyerno ang pondo kung ipag-utos ng Korte Suprema, ngunit babala niya, maaari itong magpalaki ng deficit at makaapekto sa credit rating ng bansa.

Ipinaliwanag ni Recto na kung may utos sa kalagitnaan ng taon, mas makabubuting isama ang pagbabalik ng pondo sa susunod na budget cycle upang maiwasan ang biglang butas sa badyet.

Sa ngayon, nananatiling “manageable” ang fiscal deficit na ₱765.5 bilyon, ayon sa DOF, na nakikitang lalaki ang kita ng gobyerno hanggang ₱7.1 trilyon pagsapit ng 2030.

-- ADVERTISEMENT --