Ipinatupad ng Philippine Health Insurance Corporation ang “No SPA, No Payment” policy para sa self-paying members simula Abril 1, bilang bahagi ng digitalization at pagpapabuti ng serbisyo.
Sa ilalim ng bagong sistema, kinakailangang kumuha muna ng Statement of Premium Account (SPA) bago magbayad ng kontribusyon upang maiwasan ang errors at mapabilis ang posting ng bayad.
Saklaw ng patakaran ang self-employed, professionals, at land-based overseas Filipinos. Maaaring makuha ang QR-coded SPA sa online portal ng PhilHealth at kailangang ipakita ito sa mga opisina o accredited collecting agents bago makapagbayad.
Ayon sa ahensya, layunin ng hakbang na masigurong tama at updated ang kontribusyon ng mga miyembro upang manatili silang kwalipikado sa benepisyo.
Pinayuhan din ang publiko na makipagtransaksyon lamang sa awtorisadong ahente at pangalagaan ang kanilang personal na impormasyon.













