Inanunsyo ng PhilHealth na simula Agosto 21, maaaring makinabang ang mga miyembro sa bagong GAMOT package na nagbibigay ng hanggang 75 uri ng libreng gamot sa piling klinika at botika, na may taunang limitasyon na PHP20,000 kada benepisyaryo.
Ang Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment o GAMOT ay bahagi ng YAKAP program na naglalayong pababain ang gastos ng publiko sa pangunahing gamutan.
Sakop ng programa ang mga karaniwang gamot para sa impeksyon, diabetes, altapresyon, hika, sakit sa puso, at iba pa.
Kailangan lamang magparehistro sa YAKAP at kumuha ng reseta mula sa accredited na doktor upang makuha ang benepisyo sa mahigit 4,300 partner clinics at piling botika, partikular sa Metro Manila, na inaasahang madaragdagan pa sa buong bansa.