-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa PHP195.21 bilyon ang kabuuang benepisyong naipamahagi ng Philippine Heath Insurance Corporation (PhilHealth) mula Enero hanggang Agosto 2025, ayon sa pinakahuling ulat ng ahensya.

Tumaas ito ng 84.35% mula sa PHP105.89 bilyon na naipamahagi sa kaparehong panahon noong 2024.

Sa naturang halaga, PHP114.63 bilyon ang napunta sa mga pribadong pasilidad, habang PHP80.58 bilyon naman ang inilaan sa mga pampublikong ospital. Mas mataas ito kumpara sa mga naitalang bayad noong 2024 na PHP58.94 bilyon para sa pribado at PHP46.95 bilyon para sa pampubliko.

Ipinapakita ng datos ang tumataas na pangangailangan sa serbisyong medikal at ang patuloy na pagtutok ng PhilHealth sa mabilis na pagbabayad sa mga healthcare provider, bilang suporta sa layunin na maghatid ng mas maayos at patas na serbisyong pangkalusugan.