Ipinaalala ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na saklaw ng kanilang mga benepisyo ang paggamot para sa trangkaso at mga katulad na karamdaman.
Sa ilalim ng programang YAKAP (Your Advanced and Kind Access to Primary Care), maaaring mag-avail ang mga miyembro ng libreng konsultasyon, gamot, at laboratoryo. Layunin ng programa na paigtingin ang maagang pagsusuri at pag-iwas sa sakit.
Maaaring magparehistro ang mga miyembro sa YAKAP Clinic sa pamamagitan ng eGovPH app, PhilHealth Member Portal, o sa pinakamalapit na tanggapan ng PhilHealth. Saklaw din ng benepisyo ang mga may malubhang sintomas, kabilang ang ₱12,870 case rate package para sa mga naospital dahil sa trangkaso.
Tiniyak ng PhilHealth ang patuloy nitong pagbibigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan para sa mga Pilipino.












