-- ADVERTISEMENT --

Pinalawig ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) hanggang Enero 30, 2026 ang deadline ng pagsusumite ng renewal application ng akreditasyon para sa Yaman ng Kalusugan (YAKAP) clinics at Guaranteed and Accessible Medications for Outpatient Treatment (GAMOT) package providers.

Nilinaw ng PhilHealth na nananatiling Enero 14, 2026 ang deadline para sa iba pang health facilities. Tatanggapin din ang mga aplikasyon ng pasilidad na wala pang business permit o kumpletong lisensiya para sa 2026, basta maisumite ang mga kinakailangang dokumento sa o bago ang Marso 31, 2026.

Binigyang-diin ng ahensiya na ang mga aplikasyon na ihahain lampas sa itinakdang panahon ay ituturing na re-accreditation at maaaring magdulot ng pagkaantala sa bisa ng akreditasyon, habang ang mga pasilidad na makasusunod sa deadline ay magkakaroon ng tuloy-tuloy na akreditasyon habang hinihintay ang desisyon ng PhilHealth.