-- ADVERTISEMENT --
Nagpapatuloy ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa pagbibigay ng health package para sa gamutan ng tuberculosis sa ilalim ng TB-DOTS, na sumasaklaw sa konsultasyon, pagsusuri, gamot, at edukasyon ng pasyente. Pinalalakas din ang maagang pagtuklas sa pamamagitan ng programang YAKAP na may kasamang chest X-ray.
Kabilang pa rin ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na kaso ng TB, ayon sa Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases.
Libre ang pagsusuri at gamutan sa mga pampublikong pasilidad, habang hinihikayat ang publiko na magpatingin agad at tapusin ang anim na buwang gamutan upang maiwasan ang paglala at pagkalat ng sakit.













