-- ADVERTISEMENT --

Nakatakdang lumagda ang Pilipinas at Australia ng bagong kasunduan sa depensa sa 2026 upang palakasin ang military infrastructure ng bansa at mas mapahusay ang kanilang koordinasyon sa mga joint exercises.

Inanunsyo ito kasabay ng malawakang military drills ng dalawang bansa sa kanluran at hilagang bahagi ng Pilipinas na nilahukan ng humigit-kumulang 3,600 personnel.

Ayon kay Australian Defense Minister Richard Marles, layon ng kasunduan na palakasin ang ugnayang pangdepensa ng dalawang bansa sa gitna ng lumalaking tensyon sa Indo-Pacific.

Iginiit naman ni Defense Secretary Gilberto Teodoro na kailangan ang mas matatag na kooperasyon upang kontrahin ang mga “unilateral activities” ng China sa West Philippine Sea.

Kamakailan lamang nang iniulat ng Armed Forces of the Philippines na nagsagawa ng water cannon drills ang limang barko ng Chinese Coast Guard malapit sa Second Thomas Shoal, kung saan nakapuwesto ang BRP Sierra Madre bilang simbolo ng presensya ng bansa sa lugar.

-- ADVERTISEMENT --

Bahagi rin ng pagpapalakas ng alyansa ng Pilipinas ang mga kasunduan sa depensa sa New Zealand, pati na ang mga kasunduang binabalangkas kasama ang France at Canada, gayundin ang kauna-unahang joint patrols nito kasama ang India sa West Philippine Sea.