-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagtaas ng antas ng ugnayan ng Pilipinas at India sa strategic partnership sa kanyang state visit sa New Delhi, India.

Pormal na ilulunsad ang bagong kasunduan sa bilateral meeting ni Marcos kay Indian Prime Minister Narendra Modi, bilang bahagi ng paggunita sa 75 taon ng diplomatikong relasyon ng dalawang bansa. Saklaw ng partnership ang kooperasyon sa depensa, kalakalan, pamumuhunan, kalusugan, turismo, at iba pa.

Ipinahayag din ang nalalapit na paglagda ng Social Security Agreement, at mga inisyatibo para sa direktang biyahe at visa-free entry para sa mga turistang Indian.

Makikipagpulong din si Marcos kay Indian President Droupadi Murmu at dadalo sa mga business engagements sa New Delhi at Bengaluru upang palakasin ang partisipasyon ng Indian firms sa ekonomiya ng Pilipinas. Kasama ng Pangulo ang ilang miyembro ng Gabinete at business delegation.