Sa kauna-unahang pagkakataon, napili ang Pilipinas bilang host ng FIVB Volleyball Women’s World Championship sa 2029, ayon sa anunsyo ng FIVB at Brazilian volleyball legend na si Sen. Leila Barros nitong Setyembre 28.
Ibig sabihin, awtomatikong kwalipikado ang Alas Pilipinas Women sa prestihiyosong torneo.
Nagbunyi ang koponan matapos ang pahayag na ginawa bago ang finals ng 2025 Men’s World Championship sa Mall of Asia Arena.
Ayon kay team captain Jia de Guzman, malaking hamon ang haharapin ng pambansang koponan upang sundan ang tagumpay ng Alas Pilipinas Men sa kasalukuyang edisyon.
Inaasahang magiging matatag ang lineup ng mga batang bituin gaya nina Bella Belen, Angel Canino, at Shaina Nitura pagsapit ng 2029.
Binigyang-diin ni FIVB president Fabio Azevedo na pagkakataon itong ipakita ang pinakamagaling na laro ng volleyball at ang kakayahan ng isport na magbuklod ng mga tao mula sa iba’t ibang pinagmulan.