-- ADVERTISEMENT --

Maglulunsad ang pambansang pamahalaan ng bagong repatriation flights mula Saudi Arabia para sa mga Pilipinong stranded sa Gitnang Silangan dahil sa tensyon sa pagitan ng US-Israel at Iran. Bagaman muling magsisimula ang commercial flights mula Doha patungong Manila sa Marso 18, puno na ang mga flights kaya magcha-charter ang Pilipinas ng 10 emergency flights upang may daily na biyahe.

Kasama sa mga nagnanais umuwi ang mga bisita at OFWs na nakikipag-coordinate sa embahada para sa visa. Sa kasalukuyan, may 26 OFWs at 11 dependents na naka-standby, habang humigit-kumulang 100 Pilipino na ang nakabalik sa bansa at iba pang destinasyon sa Europe, Americas, at Asia. Tiniyak ng Qatar ang seguridad laban sa drone attacks para sa mamamayan at dayuhan.