
Umani ng kontrobersiya ang auction ng pinakamalaking Martian meteorite na natagpuan sa Earth matapos itong maibenta sa halagang $5.3 milyon o humigit-kumulang โฑ298 milyon sa Sothebyโs New York.
Natuklasan noong Nobyembre 2023 sa Sahara Desert sa Niger, ang 25-kilogram na bato ay itinuturing na pinakamalaki sa uri nito.
Ngunit iginiit ng pamahalaan ng Niger na posibleng sangkot ito sa โiligal na international traffickingโ at agad na sinuspinde ang pag-export ng mga mamahaling bato at meteorite.
Mariin namang itinanggi ng Sothebyโs ang akusasyon at sinabing dumaan sa wastong proseso ang paglabas ng meteorite mula Niger.
Gayunman, nagsasagawa na sila ng sariling pagsusuri kaugnay ng isyu.
Para kay American paleontologist Paul Sereno, malinaw na iligal na nailabas ang meteorite.
Aniya, โKung nahuli nila sa ere, pwede pa.
Pero bumagsak ito sa Nigerโkaya pag-aari ito ng Niger.โ












