-- ADVERTISEMENT --

Binaha ang ilang lugar sa probinsya ng Aklan dahil sa tuloy-tuloy na pag-ulan dala itng Habagat na mas pinalakas ng Bagyong Crising.

Ayon kay Gary Vilmer Taytayon, chief operations ng PDRRMO-Aklan, hindi direktang apektado ng bagyo ang probinsya kundi ang Southwest Monsoon o habagat na hinihigop ng bagyo ang nagdadala ng pag-ulan at pagbaha sa ilang lugar sa probinsya.

Ipinahayag niya na as of July 18, base sa kanilang inisyal na report, sa bayan ng Ibajay, nakalista sila ng 411 partially damage at 3 totally-damaged na mga kabahayan.

Samantala sa bayan ng Madalag, nakalista sila ng 4 na partially damaged at isang totally damaged na kabahayan. Nailista rin ang 209 na apektadong pamilya, at 566 na mga indibidwal, habang sa parte ng agrikultura ng bayan ng Madalag, nalista ang halos P1.2 milyon pesos damage sa crops at livestocks.

Sa ngayon umano ay walang nailista o naireport na casualties dulot ng pagbaha.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpaalala din siya na maging handa sa anuman oras pati na rin sa pag-alaga sa ikalusugan ngayong tag-ulan.