-- ADVERTISEMENT --

Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) sa mga magpoprotesta sa Nobyembre 30 sa Luneta Park laban sa pagsusuot ng balaclava at iba pang pantakip sa mukha na kamakailan lamang ay ipinagbawal sa Maynila.

Ayon kay PNP spokesperson P/B Gen. Randulf Tuaño, maaari umanong i-reject ng Manila LGU ang mga susunod na rally permits sakaling lumabag ang mga raliyista sa anti-balaclava ordinance ng siyudad.

Dagdag pa niya, “Kapag ito po ay nakita nila na may paglabag sa MOU, na halimbawa, ‘yung sa balaclava o pagtatakip ng mukha, ito ay magiging reason para sa mga future ng mga applications po nila para po hindi na ma-aprubahan ‘yung mga grupo na lalabag po dito.”

Nauna dito, kinondena ng youth organization na Samahan ng Progresibong Kabataan (SPARK) ang bagong ordinansa ng Lungsod ng Maynila na nagbabawal sa pagsusuot ng  balaclava, face mask, helmet, bonnet, at hoodue sa mga tanggapan ng gobyerno at commercial establishments.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon sa ordinansa, kailangang alisin ng mga papasok sa mga lugar na ito ang anumang pantakip sa mukha, habang ang mga motorcycle rider at angkas nito ay obligado ring tanggalin ang helmet kapag bumaba ng motorsiklo.