-- ADVERTISEMENT --

Naghahanda na ang Philippine National Police para tiyakin ang seguridad sa ikatlong yugto ng Trillion Peso March na gaganapin ngayong buwan.

Pinamumunuan ng National Capital Region Police Office ang deployment ng mga pulis sa Metro Manila at pakikipag-ugnayan sa mga organizer para sa maayos na daloy ng mga aktibidad, kabilang ang pangunahing rally sa Pebrero 25 na pangungunahan ng Caritas Philippines at iba pang grupo.

Bilang bahagi ng paggunita sa ika-40 anibersaryo ng People Power Revolution, idaraos sa Pebrero 21 ang People Power 40 Kick-Off Concert sa Quezon Memorial Circle na tampok ang mga artistang sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Rivermaya, at Vice Ganda.