Devotees take part in the first of a nine-day pre-dawn Mass, locally called "Misa de Gallo," before Christmas at a church in Manila, Philippines, Dec. 16. The pre-dawn Mass is one of the most popular traditions among Filipinos during the Christmas season. (CNS photo/Erik De Castro, Reuters)
-- ADVERTISEMENT --

Nagpatupad na ng mga hakbang sa seguridad ang Philippine National Police (PNP) sa buong bansa bilang paghahanda sa pagsisimula ng Simbang Gabi sa Disyembre 16.

Ayon kay Acting PNP chief Lt. Gen. Jose Melencio C. Nartatez Jr., bahagi ito ng programang Ligtas Paskuhan 2025, kung saan mahigit 70,000 pulis ang ide-deploy upang magbantay sa mga simbahan at iba pang matataong lugar ngayong holiday season.

Layunin ng PNP na matiyak ang kaligtasan ng mga mamamayan habang sila ay nagsisimba at pauwi ng kanilang mga tahanan. Sinabi ni Nartatez na handa at committed ang pulisya na makatulong sa mapayapa at makabuluhang pagdiriwang ng Pasko.

Inatasan ang mga police commander na bantayan hindi lamang ang mga simbahan kundi pati ang mga lugar na pinupuntahan ng mga nagsisimba pagkatapos ng misa.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang milyun-milyong Katolikong deboto ang dadalo sa siyam na araw ng Simbang Gabi, na magsisimula sa Disyembre 16 hanggang Disyembre 24.

Bilang bahagi ng seguridad, paiigtingin ang foot patrols, checkpoints, at mobile patrol units sa paligid ng mga simbahan. Palalakasin din ang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan, barangay officials, at church authorities para sa maayos na crowd control at paghahanda sa emerhensiya.

Kabilang sa mga pangunahing binabantayan ng PNP ang nakawan, pandurukot, at maayos na daloy ng trapiko sa mga mataong lugar. Magiging alerto rin ang pulisya laban sa posibleng sunog at iba pang emergency.

Pinaalalahanan ni Nartatez ang mga magsisimba na maging mapagmatyag, bantayan ang kanilang mga gamit, at agad i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad sa mga awtoridad. via Remate