Plantsado na ang pondo para sa gaganaping Kalibo Sr. Sto Nino Ati-atihan Festival 2026.
Ayon kay Carla Suñer Doromal, Executive Assistant to the Office of the Municipal Mayor ng LGU Kalibo na patuloy ang pag-iipon ngayon ng mga proposal ng Municipal Tourism Office sa iba’t ibang komitiba ng festival organizer na Kalibo Ati-atihan Festival Board para sa itatakda sa kanilang pondo sa gaganaping mga contest.
Nangunguna umano sa aktibidad para sa selebrasyon ay ang screening para sa Binibining Kalibo Ati-Atihan Festival 2026.
Sa kabilang parte, ipinahayag ni Doromal na nag-hihintay nalang ngayon ng go signal kung kailan gaganapin ang opening salvo sa buwan ng Oktubre.
Hindi pa matukoy kung madadagdagan ang bilang ng mga sasali na tribu dahil karamihan sa mga nagpa-rehistro ay ang mga dati ring participating tribes.