-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng kanyang simpatiya si Pope Leo XIV nitong Linggo sa mga biktima ng Bagyong Tino na nanalasa sa ilang bahagi ng bansa noong nakaraang linggo.

“I express my closeness to the people of the Philippines who have been hit by a violent typhoon: I pray for the deceased and their families, as well as for the injured and displaced,” pahayag niya sa kanyang post sa X.

Ayon sa datos ng Office of Civil Defense (OCD), 224 na indibidwal ang namatay sa pananalasa ni Tino. Ang pinakamataas na naiulat na bilang ng nasawi ay naitala sa Cebu na may 158.

May kabuuang 109 katao ang nawawala – 57 sa Cebu, 42 sa Negros Occidental, at 10 sa Negros Oriental.

-- ADVERTISEMENT --

Sinabi ng OCD na 526 katao din ang naiulat na nasugatan: 454 sa Cebu province, 41 sa Leyte, 28 sa Negros Occidental, dalawa sa Surigao del Norte, at isa sa Surigao del Sur.

Una rito, idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang taong state of national calamity dahil sa epekto ng Bagyong Tino, ayon sa rekomendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council.

Dalawa namang pagkamatay ang naitala dahil sa pananalasa ni Uwan: isa sa Catanduanes at isa sa Catbalogan, Samar.