-- ADVERTISEMENT --

Mas pang pinaigting ng Police Regional Office 6 o PRO6 ang kanilang  kampanya laban sa mga loose firearms sa buong Western Visayas bilang nahagi ng kanilang patuloy na pagsisikap na masiguro ang kaligtasan ng publiko at mapanatili ang kaayusan sa rehiyon.

Ayon kay  P/Major Lailyn Sencil, spokesperson ng PRO-6 na nagpalabas ng direktiba si Regional Director, PBGen. Josefino Ligan sa lahat ng provincial at city police offices na ipagpatuloy ang mga operasyon upang mabawi ang lahat ng mga hindi lisensyadong baril at hikayatin ang mga may-ari ng expired na lisensya na itp ay i-renew na.

Karamihan aniyang ginagamit ang loose firearms sa mga krimen, na nagdulot ng panganib sa komunidad.

Samantala, dagdag pa ni  P/Major Sencil na para sa buwan ng Agosto 2025, naka-record ang PRO6 ng kabuoang 153 na loose firearms sa buong rehiyon.

Sa nasabing bilang,  37 ang nakumpiska sa pamamagitan ng mga law enforcement operations, habang ang 116 ay boluntaryo na isinurender sa mga isinagawang Oplan Katok, symposiums, pulong-pulong sa barangay, at iba pang advocacy activities. Sa 31 na ikinasang operasyon,  34 katao ang naaresto.

-- ADVERTISEMENT --

Kasabay nito, hinikayat ng PRO6 ang mga opisyal ng barangay at mga lokal na gobyerno na suportahan ang nasabing inisyatibo sa pamamagitan ng pagpapakalat ng kaalaman sa kanilang mga komunidad.

Pangunahing layunin umano nito na mabawasan ang mga krimen na kinasasangkutan ng mga loose firearms at gawing mas ligtas at mas secure na komunidad ang Western Visayas.