Patay ang isang miyembro ng kapulisan matapos na sinasabing makuryente sa bayan ng Lezo.
Ayon kay PCpt. Gelbert Batiles, hepe ng Lezo Municipal Police Station, magsasagawa sana sila ng isang police operation sa sabungan sa bayan ngunit habang hindi pa nagu-umpisa ay nagulat nalang ito nang may komusyon sa loob ng nasabing lugar.
Ang sumbong umano sakanya ay nakuryente ang isang kasamahan nila sa operasyon.
Agad naman nila itong pinatawagan ng rescue at sa pag-susuri at base na rin sa medico legal exam ay ang naging dahilan ng kanyang kamatayan ay cardiac arrest o atake sa puso.
Pinagdududahang inatake ito at nang matumba ay naghahanap sana ng makakapitan ngunit ang kanyang nahawakan ay ang wiring na service drop na naging dahilan din ng kanyang pagkakakuryente.
Ang nasabing personnel ay residente ngv Brgy. Poblacion, Lezo at ipinahayag pa ni PCpt. Batiles na nagdiwang ito nang kanyang ika-44-anyos na karawan noong nakaraang araw at magdiriwang din sana ng kanyang ika-14-anyos sa serbisyo ngayon araw.
Nag-paabot din ng pakikiramay ang kanilang tanggapan sa pamilya ng biktima.













