-- ADVERTISEMENT --

Kinumpirma ng Department of Migrant Workers (DMW) na hinatulan ng 14 taong pagkakabilanggo ng korte sa Kuwait ang pangunahing suspek sa pagpatay sa overseas Filipino worker (OFW) na si Dafnie Nacalaban.

Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang briefing na natagpuan ang bangkay ni Nacalaban noong Disyembre 31, 2024 sa bakuran ng bahay ng kanyang amo sa Saad Al-Abdullah, Jahra.

Naiulat siyang nawawala noong Oktubre 2024 matapos mawalan ng komunikasyon sa kanyang pangalawang amo.

Inamin ng suspek na Kuwaiti national na dati nang may kriminal na rekord ang pagpatay kay Nacalaban, na nagsimulang magtrabaho sa Kuwait noong Disyembre 2019.

-- ADVERTISEMENT --

Naibalik sa Pilipinas ang kanyang mga labi noong Pebrero 21, 2025 sa tulong ng DMW at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Ayon pa kay Cacdac, patuloy ding tinutulungan ng pamahalaan ang isa pang OFW na nahatulan sa kasong may kinalaman sa pagkamatay ng anak ng kanyang amo.