Mariing tinutulan ni South African President Cyril Ramaphosa ang desisyon ni US President Donald Trump na magpataw ng 30% tariff sa mga produktong galing South Africa simula Agosto 1.
Tinawag ni Ramaphosa na “unilateral” at hindi batay sa totoong datos ang hakbang, na maaaring magdulot ng matinding pinsala sa mga sektor ng agrikultura, sasakyan, at tela ng bansa.
Ang US ang ikalawang pinakamalaking trading partner ng South Africa, na dating may duty-free access sa ilalim ng African Growth and Opportunity Act (AGOA).
Sa kanyang liham, sinabi ni Trump na ang hakbang ay tugon sa “hindi patas” na ugnayang pangkalakalan at nagbabala na maaaring tumaas pa ang taripa kung tataas din ang tariffs ng South Africa laban sa US.
Iginiit ni Ramaphosa na patuloy silang makikipag-usap sa Amerika upang maabot ang isang mas patas at kapaki-pakinabang na kasunduan para sa parehong bansa.