-- ADVERTISEMENT --

Inanunsyo ng Commission on Elections (Comelec) na muling magbubukas ang rehistrasyon para sa mga overseas Filipino voters simula Disyembre 1, 2025 hanggang Setyembre 30, 2027 bilang paghahanda sa halalan sa 2028.

Ayon sa Comelec, maaaring magparehistro ang mga Pilipinong nasa ibang bansa na edad 18 pataas sa araw ng halalan at walang legal na diskwalipikasyon. Kabilang sa mga tinatanggap na aplikasyon ay para sa bagong rehistrasyon, paglilipat ng rekord, reactivation, pagbabago ng pangalan o impormasyon, at iba pa.

Kinakailangan ng mga aplikante na magprisinta ng balidong Philippine passport, o kaukulang dokumento bilang patunay ng pagiging mamamayang Pilipino. Maaaring magsumite ng aplikasyon sa mga embahada, konsulado, at iba pang itinakdang registration centers sa loob at labas ng Pilipinas.

Ang huling rehistrasyon para sa mga botanteng nasa ibang bansa ay ginanap mula Disyembre 9, 2022 hanggang Setyembre 30, 2024. Tinatayang nasa 1.241 milyon ang rehistradong overseas voters noong Halalan 2025.