Nagpahayag ang aktres na si Rhian Ramos tungkol sa kontrobersiyang kinakaharap niya matapos ang mga alegasyon ng kanyang dating personal driver na umano’y inabuso siya sa kanyang condominium noong Enero, kung saan isinangkot din sina Michelle Dee at Samantha Panlilio.
Sa isang pahayag, sinabi ni Ramos na ikinadismaya niya ang mabilis na paghuhusga ng ilang netizens habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, kaya pinili niyang igalang muna ang legal na proseso.
Nilinaw din ng aktres ang kanyang cryptic na post sa social media at kinumpirma ang hiwalayan nila ng negosyanteng si Sam Verzosa noong Oktubre 2025. Samantala, patuloy na iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation ang kaso matapos maglabas ng subpoena kina Ramos, Dee, at Panlilio noong Pebrero.













