
-- ADVERTISEMENT --
Inaprubahan ng House Committee on Public Information sa pamumuno ni Rep. Lordan Suan ang substitute bill para sa Right to Information (RTI) Act of 2026, na naglalayong tiyakin ang access ng publiko sa impormasyon ng pamahalaan.
Nabuo ang panukala sa pamamagitan ng technical working group na pinangunahan ni Brian Raymund Yamsuan, katuwang ang iba’t ibang ahensya kabilang ang Presidential Communications Office. Naaprubahan ito sa mosyon ni Akbayan Rep. Perci Cendaña.
Pinagtibay rin ng Senado ang kaparehong panukala na inisponsor ni Sen. Robin Padilla. Itinuturing itong prayoridad ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at inaasahang maipapasa bago Hunyo 2026 bilang hakbang tungo sa mas bukas at transparent na pamahalaan.











