-- ADVERTISEMENT --

Mariing itinanggi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel ang mga alegasyon ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co kaugnay ng umano’y iregularidad sa usapin ng taripa, at tinawag itong walang katotohanan.

“Total baloney. A script na puwedeng pang-Netflix. ’Yan ang statement ko,” ayon kay Laurel sa opisyal niyang pahayag araw ng Miyerkules, Nobyembre 26, 2025.

Nilinaw pa ng kalihim na hindi totoo ang paratang ni Co na siya lamang ang nagsulong ng pagbaba ng tariff.

-- ADVERTISEMENT --

“And it is not true that he suggested it alone. Marami na ang nag-suggest. Ang recommendation niva, actually, was zero tariff, not 15 percent.”

Giit ni Laurel, walang basehan ang mga ibinibintang sa kanya at hindi niya minanipula ang anumang rekomendasyon ukol sa tariff adjustments.

Patuloy na umiinit ang iringan sa pagitan ni Laurel at Co habang hinihintay kung ano ang magiging susunod na aksyon ng mga kinauukulang ahensya.