-- ADVERTISEMENT --

Ibinalik ng isang security guard ang P1.5 milyong bracelet na napulot nito, sa tunay na may-ari sa isang Mall sa Maynila.

Kinilala ang security guard na si Francisco Dialogo ng Topwatch Corporate Security Services Inc., na naka-duty nang mga oras na iyon kung saan nakita niya ang naiwanang diamond-studded gold bracelet sa entrance ng third level ng mall bandang 1:20 ng hapon.

Agad na itinurn-over ni Dialogo ang bracelet sa Customer Relations Services Office.

Ilang minuto pa ang nakalipas ay dumating ang babaeng customer sa Customer Relations Office upang magtanong sa nawawala nitong bracelet.

-- ADVERTISEMENT --

Nagpasalamat naman siya sa security guard nang malaman ang pagbalik nito ng alahas.

Pinuri rin si Dialogo sa ipinamalas nitong integridad at katapatan.