Pilang mga social media influencer, nagagamit sigon sa promosyon it illegal online casino
-- ADVERTISEMENT --

Maaaring ipatupad ng Senado ang kumpletong pagbabawal sa online gambling sa Pilipinas kung mabibigo ang mga ahensya ng gobyerno, partikular ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor), na makapaglatag ng malinaw at epektibong regulasyon upang mapigilan ang mga negatibong epekto nito sa lipunan.

Ayon kay Senador Erwin Tulfo, chairman ng Senate Committee on Games and Amusement, mayorya ng mga miyembro ng komite ay pabor sa total ban. Gayunpaman, pansamantalang binibigyan ng pagkakataon ang gobyerno na patunayan ang kakayahan nitong higpitan ang regulasyon sa tulong ng Pagcor.

Suportado rin ni Tulfo ang kautusan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na alisin ang mga gambling link sa mga e-wallet application, ngunit iginiit niya ang pangangailangang tuluyang harangan ang anumang transaksyon patungo sa mga gambling site.

Batay sa datos mula sa Pagcor, tinatayang 30 milyong Pilipino ang sangkot sa pagsusugal, kung saan 60 porsyento ang gumagamit ng mga ilegal na plataporma.