-- ADVERTISEMENT --

Tinanggihan ng Senado ang panukalang maagang panunumpa ng mga bagong halal na senador bilang hukom sa nagpapatuloy na impeachment trial laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

Ayon sa impeachment court, kailangang hintayin ang halalan ng bagong Senate President bago maisagawa ang panunumpa ng senator-judges upang maiwasan ang posibleng legal na isyu. Sa ngayon, nananatiling presiding officer si Senate President Chiz Escudero sa holdover capacity.

Ito ang kauna-unahang impeachment proceeding sa kasaysayan na tatawid sa bagong Kongreso. Samantala, hinihintay pa ng Senado ang buong pagtugon ng bagong Mababang Kapulungan sa mga kautusan ng korte, kabilang ang sertipikasyon na hindi nilabag ang isang-taong ban sa impeachment at ang pormal na pahayag ng kagustuhang ituloy ang kaso laban sa Bise Presidente. Sa ngayon, isa pa lamang sa mga utos ang natutugunan ng Kamara.