Nagsagawa ng magkasanib na imbestigasyon ang mga awtoridad ng pulisya at militar ng South Korea upang suriin ang umano’y pagpasok ng mga drone sa hangganan ng North at South Korea.
Sinimulan ng humigit-kumulang 30 tauhan mula sa pulisya at sandatahang lakas ang pagsisiyasat kaugnay ng mga drone na sinasabing pumasok sa teritoryo ng North Korea noong Setyembre at Enero 4. Itinanggi ng South Korea ang pagkakasangkot ng kanilang militar at nilinaw na hindi nila ginagamit ang mga modelong ipinakita ng North.
Tinututukan ng imbestigasyon ang posibilidad na mga pribadong indibidwal o grupo ang may kagagawan ng insidente. Sinusuri rin ang mga naunang kaso na may kinalaman sa mga drone na kahalintulad ng mga ipinakita ng North Korea.
Ayon sa mga pagsusuri, ang mga naturang drone ay binubuo ng murang komersyal na piyesa na hindi karaniwang ginagamit sa operasyong militar. May indikasyon din na ang disenyo ng mga ito ay kahawig ng isang modelo mula sa isang Chinese drone manufacturer.













