-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng suporta si South Korean President Lee Jae-myung sa pamumuno ng Pilipinas sa 2026 ASEAN Summit matapos ang bilateral meeting nila ni President Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang Palace. Napagkasunduan ang pagtutugma ng ASEAN agenda ng Pilipinas—na nakatuon sa kapayapaan, kaunlaran, at pagpapalakas ng mamamayan—at strategic visions ng South Korea para sa rehiyon.

Pinagtibay din ang pagpapalalim ng ugnayan sa kalakalan, kultural na palitan, at seguridad panrehiyon. Noong 2025, umabot sa 1.35 milyon ang bilang ng Koreano sa Pilipinas, habang 610,000 Pilipino ang bumisita sa South Korea. Nagpasalamat si Marcos sa South Korea sa pangangalaga sa mahigit 70,000 Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho doon.