-- ADVERTISEMENT --

Ipinahayag ni Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi na bukas na ang Strait of Hormuz kasunod ng napagkasunduang ceasefire sa Lebanon, samantala, ipinahayag naman ni U.S. President Donald Trump na muling magsasagawa ng pag-uusap para sa tuluyang pagtatapos nga digmaan sa gitna nga mga sangkot na bansa sa lalong madaling pahanon.

Patuloy ang tensyon sa pagitan ng US at Iran kaugnay ng maritime blockade at nuclear program, habang nagpapatuloy ang negosasyon upang makamit ang posibleng kasunduan at mapalawig ang tigil-putukan.

Ang sigalot, na nagsimula noong Pebrero 28, ay nagdulot ng pagkaswi ng libo-libong katao at nakaapekto sa operasyon ng Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis at gas.