-- ADVERTISEMENT --

Nag-anunsyo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng karagdagang tulong pinansyal para sa mga magsasaka at mangingisda upang mapanatili ang suplay ng pagkain sa gitna ng pagtaas ng presyo ng langis.

Sa ilalim ng Department of Agriculture (DA), mahigit 26,000 magsasaka ang makatatanggap ng ₱3,000 fuel subsidy, habang kaparehong halaga ang ipagkakaloob sa mahigit 26,000 mangingisda sa pamamagitan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Magkakaloob din ng ₱2,000 cash assistance sa Abril sa ilalim ng Presidential Assistance to Farmers and Fisherfolk Program.

Kasabay nito, magpapatupad ng mga hakbang sa sektor ng aviation ang Civil Aviation Authority of the Philippines at Civil Aeronautics Board upang mabawasan ang ilang bayarin at mapabilis ang pagrepaso sa fuel surcharge na makatutulong sa pagbaba ng gastos ng airlines at pamasahe sa eroplano.