Para sa political analysts na si Atty. Harry Sucgang, imposibleng mangyari ang panukala ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na magkaroon ng snap election matapos na mag-resign sa puwesto ang laha ng mga pinuno ng bansa magmula sa Pangulo hanggang sa mga miyembro ng Kongreso.
Ayon sa kanya, hindi ito mangyayari dahil walang probisyon ukol dito sa Konstitusyon.
Ipinahayag din na ang isang snap election ay pwede lamang gawin kung may revolutionary government na nagpatalsik sa lahat ng mga mataas na lider ng gobyerno gaya ng nangyari noong 1986 EDSA People Power Revolution.
Ang pinaka-huling snap election ayon sa kanya ay isinagawa noong pang 1986 habang nasa ilalim ng martial law ang Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos Sr., kung saan hawak nito ang kapangyarihan sa executive at legislative.
Naniniwala din siya na walang sino man sa mga naitalagang opisyal ngayon ang handang maga-resign sa kanilang posisyon.
Samantala, idinagdag pa ni Atty. Sucgang na panggulo lamang ang pag-iwas sa totoong isyu ng korupsyon ro ang panawagan ni Cayetano na snap election. Wala aniyang maganda sa suhestiyon ngsenador.
Magugunitang nauna nang ipinahayag ni Cayetano na wala na ang kumpiyansa ng publiko sa gobyerno at sa mga government offcials dahilan na dapat nang gawin ang pag-resign at payagan ang pagkakaroon ng snap election.