-- ADVERTISEMENT --

Nilamon ng sunog ang southern portion ng isang bahay sa Brgy. Badio, Numancia kahapon, araw ng Huwebes, Enero 8.

Ayon kay FO2 Adriane Villas, imbestigador ng Bureau of Fire Protection (BFP) Numancia, ang nasabing residensya ay pagmamay-ari ni Mr. Genaro Alindato, isang inspector sa slaughter house.

Paliwanag ni FO2 Villas, fire under control na ngunit may kaunting apoy pa nang dumating sila dahil nagsagawa ng bucket brigade ang mga residente sa lugar.

Dahil na rin sa makipot na daan, malayo-layo ang kanilang fire truck sa nasusunog na bahay dahilan para maubos ang kanilang 16 hoses na pinagkone-konekta para maabot ng tubig ang bahay kaya nagkaroon ng second call sa BFP-Kalibo para manghiram ng dagdag na hose.

Kabilang sa mga nasunog sasakyang na naka-park sa garahe, motor na nasa loob ng bahay, at ilang mga kagamitan kagaya ng mga makinarya na pang-giling ng feeds.

-- ADVERTISEMENT --

Dagdag pa niya, nasa P29,050 ang estimated cost of damage ngunit maaari pa itong madagdagan kung mag-deklara ng pormal na affidavit of loss ang may-ari.

Aminado rin aniya ang may-aro na may naiwan siyang nakasaksak na radyo ngunit sa ngayon, patuloy pang ini-imbestigahan at bine-beripika kung ito ang dahilan ng sunog.