Resulta it September 2024 Bar exam, igapaguwa eon sa Disyembre – SC
-- ADVERTISEMENT --

Naglabas ang Supreme Court (SC) en banc ng temporary restraining order (TRO) na nagbabawal sa Commission on Elections (COMELEC), Bangsamoro Transition Authority (BTA), at mga kaugnay na ahensya na ipatupad ang Bangsamoro Autonomy Act (BAA) 77 habang hinihintay ang pinal na desisyon sa dalawang kasong isinampa laban dito.

Agad na ipinatupad ang TRO, ayon sa pahayag ng SC nitong Martes.

Ang BAA 77 ay naglalayong baguhin ang distritong parliamentaryo sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) para muling ipamahagi ang pitong upuan na dating nakalaan sa lalawigan ng Sulu, na ayon sa SC noong 2024 ay hindi kabilang sa BARMM.

Dalawang petisyon ang humahamon sa bisa ng BAA 77, kabilang ang paglabag umano nito sa Voter’s Registration Act at mga probisyon para sa malayang halalan.

Inatasan ng SC ang COMELEC at BTA na magsumite ng kanilang tugon sa loob ng limang araw.

-- ADVERTISEMENT --

Samantala, inihayag ng COMELEC na pag-aaralan nila sa darating na Miyerkules kung itutuloy ang nakatakdang halalan sa Oktubre 13.