-- ADVERTISEMENT --

Bagamat wala pang tropical cyclone wind signal na itinataas ang PAGASA ngayong Miyerkules, Hulyo 16, malaki naman ang tsansa na lumakas bilang isang tropical storm ang Tropical Depression Crising.

Ayon pa sa PAGASA, posible rin na lumakas pa ito bilang isang Severe Tropical Storm pagsapit ng Biyernes ng hapon o gabi bago ito lumapit sa Northern Luzon.

Sa huling ulat, namataan ang sentro ng bagyong Crising sa layong 725 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.

Kasalukuyan itong kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 35 kilometro kada oras.

-- ADVERTISEMENT --

Inaasahang tatawid ang bagyo malapit sa Babuyan Islands pagsapit ng Biyernes.

Ang bahagyang pagbabago sa galaw nito ay maaari ring matumbok ang mainland Cagayan.