-- ADVERTISEMENT --

Pinuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) kasunod ng pagtaas ng antas ng tiwala ng publiko sa hanay ng pulisya. Batay sa pinakahuling survey ng OCTA Research, umabot sa 80 porsiyento ang trust rating ng PNP, ang pinakamataas na naitala sa kasaysayan ng ahensya.

Iniuugnay ang pag-angat ng tiwala ng publiko sa mga ipinatupad na reporma sa loob ng PNP, kabilang ang pagsasaayos ng mga proseso, patakaran, at pamantayan ng asal. Sa kabila ng ilang hiwalay na isyu kaugnay ng pagpapatupad ng batas, nananatiling bumaba ang bilang ng focus crimes, index crimes, at smuggling sa bansa.

Ipinakita rin ng datos ang pagbuti ng disiplina at moral ng mga pulis, na itinuturing na pinakamataas sa mga nagdaang taon. Patuloy ang pagsasagawa ng mga reporma sa PNP upang mapalakas ang pananagutan, propesyonalismo, at kalidad ng serbisyong pampubliko, kabilang ang pagbabago sa standard operating procedures at pagpapatibay ng internal discipline at codes of conduct.