-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang ilang tobacco harm reduction advocates ng mas pinaigting na aksyon para sa isang smoke-free Philippines, sa pamamagitan ng siyentipikong datos at mas ligtas na alternatibo sa sigarilyo.

Sa isang manifesto na nilagdaan nitong Miyerkules, iginiit ng mga grupo gaya ng Nicotine Consumers Union of the Philippines (NCUP), PECIA, at Smokefree Conversations PH ang kahalagahan ng pagbibigay ng opsyon para sa mga adult smokers na nahihirapang tumigil sa paninigarilyo.

Binanggit din sa manifesto ang pagtatanggol sa Republic Act 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act, na layuning hadlangan ang pagbebenta ng vape sa menor de edad, labanan ang iligal na bentahan, at bawasan ang pinsalang dulot ng paninigarilyo.