Halos nasa apat na porsyento ang itinaas ng tourist arrival sa isla ng Boracay noong buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon kung ikukumpara sa parehong period ng nakaraang taon.
Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Boracay-Malay Tourism Office, nagtala ang kanilang tanggapan ng kabuoang 166,816 na tourist arrival noong buwan ng Agosto.
Sa nasambing bilang, 140,679 dito ang domestic tourist; 1,875 ang overseas Filipinos at 24,262 naman ang foreign tourist.
Ayonpa kay Licerio, ang datos ay sa kabila ng nararanasang masamang panahon lalo na nang pumasok ang sunod-sunod na bagyo at pananalasa ng Habagat.
Umaasa sila na sa mga darating na buwan ay lalo pang tataas ang tourist arrival lalo na at papasok na tayo sa panahon ng kapaskuhan.
Nagpapatuloy ayon kay Licerio ang mga watersports activity sa baybayin ngunit pina-aalalahanan nila ang lahat na magdoble ingat lalo na sa kanilang mga kagamitan na iniiwan sa gilid ng baybayin habang naliligo ang mga ito.