-- ADVERTISEMENT --

Umabot sa 205,310 ang total na tourist arrivial sa Isla ng Boracay noong nakaraang buwan ng Hunyo kung saan 70,752 dito ang mga foreign tourist, 184,497 ang domestic at 3,061 ang mga OFW na mga turista.

Ayon kay Kathrine Licerio, tagapagsalita ng Malay Tourism Office, kung ikukumpara ang nasabing bilang noong nakaraang tao na may 205, 246 na nalistang tourist arrival ay zero increase at decrease ang porsyento.

Dagdag pa niya, base sa datos mas tumaas ang bilang ng domestic tourist ngyong taon at pati na ang sa OFW tourist kumpara noong nakaraang taon sa parehong panahon.

Itinuturing nilang isa sa mga rason ng bahagyang pagtaas ng tourist arrival ay ang bakasyon ng mga estudyante, ngunit hindi nila nakamit ang nilalayong pagtaas ng tourist arrival sa nasabing buwa dahil sa kalagitnaan din ng buwan ng iHunyo ay balik eskwela na ng mga estudyante.

Patuloy din umano ang kanilang mga ginagawang hakbang katulad ng pakikibahagi sa mga Expo event para makahikayat pa ng ibang mga turista.

-- ADVERTISEMENT --

Sa kabilang parte, ibinahagi naman ni Licerio ang pagbisita ni Christina Garcia Frasco, secretary ng Department of Tourism (DOT) noong nakaraang Hunyo 24 sa Mainland Malay kung sa san binisita nito ang St. Jospeh the worker parish church at agad ding dumiretso sa Motag Living Musem.

Ang motag living museum ay ang kauna-unahang aktibong living museum sa buong Pilipinas.

Ikinalugod din nila ang pag-umpisang maging popular ng nasabing museum at nagiging kaparte na din sa mga cruise ship itinerary.

Layon din nilang ipakilala ito hindi lang sa buong Pilipinas kundi pati na rin sa ibang mga bansa sa buong mundo.