Handa na ang Tribu Linabuanon sa kanilang pakikilahok sa Kalibo Sr. Sto. Niño Ati- Atihan Festival street dancing sa darating na araw ng Sabado, Enero 17, 2026 kung saan nalagay sila sa tribal big category.
Ayon kay Jay-ar Lachica, isa sa mga miyembro ng grupo, noong buwan pa ng Hulyo sila nag-umpisa na mag-hanap ng materyales sa kanilang custome kung saan sa iba’t ibang lugar pa sila naka-bili para makumpleto ito.
May humigit-kumulang 70 na miyembro ang grupo na binubuo ng mga dancers at drummers na handa nang magpasaya sa mga pangunahing kalsada sa bayan ng Kalibo.
Ang kanilang grupo ay nag-umpisa pa na makilahok sa Ati-Atihan contest noong 2007 kung saan hindi lamang para sa kasiyahan ng lahat kundi bilang panaad na rin sa patron na si Sr. Sto. Niño de Kalibo.
Dagdag pa niya na gagawin nila ang lahat para makapagperform ng maayos at muling masungkit ang itinakdang premyo para sa nasabing kategorya.













