-- ADVERTISEMENT --

BANGA, Aklan — Sasampahan ng reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isang tricycle driver na itinuturo rin na dealer at pusher ng illegal na droga.

Ang 44-anyos na suspek na si alyas “Boy” ay tubong Pampanga at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Pagsanjan, Banga.

-- ADVERTISEMENT --

Naaresto siya ng mga tauhan ng Banga Municipal Police Station sa ikinasang buy-bust operation, umaga ng Martes, Oktubre 21 sa Brgy. Poblacion, Banga sa harap ng Banga Elementary School.

Ayon kay P/Capt. Dandie Gonzalodo , hepe ng Banga MPS, kasama ang suspek sa itinuturing na street value individual (SLI) ngunit nagpapatuloy pa ang kanilang imbestigasyon kasunod ng mga report na kung minsan ay malakihan ang binabagsak nitong illegal na droga at may mga pagkakataon umano na namimigay ito ng libreng droga sa kanyang mga kasamahan sa kanilang pot session.

Ang suspek na isinailalim sa halos dalawang buwang surveillance ay nadiskubreng dealer ng droga sa mga bayan ng Banga at Kalibo.

Kasalukuyan itong nakakulong sa detention facility ng Banga MPS.

Nakumpiska sa kanya ang nasa pitong sachet ng shabu, sling bag, isang toother at buy bust money na P1,500 na ginamit sa operasyon.

P/Capt. Dandie Gonzalodo , hepe ng Banga Municipal Police Station

Samantala, kinumpirma ni Punong Barangay Julynine Rago ng Poblacion Banga na bago lamang sa kanilang bayan ang pamilya ng suspek .

Ang kapatid umano nito ay isang pastor na kanyang kaibigan dahilan na kahit siya ay nagulat na naging subjet siya sa isinagawang drug buy bust sa kanilang lugar na matagal nang idineklarang drug free barangay.

Punong barangay Julynine Rago it barangay Poblacion Banga