Magdadala ng pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa ang trough o extension ng low pressure area at Southwest Monsoon o Habagat ngayong Lunes, Hunyo 30.
Magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm ang Bicol Region, Eastern Visayas, Aurora, at Quezon dahil sa trough ng LPA.
Huling namataan ang LPA sa layong 1,230 kilometro silangan ng Central Luzon.
Samantala, makakaapekto naman sa Visayas, Mindanao, Central Luzon, at Southern Luzon ang Habagat.
Ang Metro Manila, Mindanao, MIMAROPA, at nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON, at Visayas ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil dito.
Localized thunderstorm naman ang mararanasan sa nalalabing bahagi ng Luzon.