Pinag-usapan sa social media ang mga maling balita tungkol sa pagkamatay ni US President Donald Trump, na walang opisyal na patunay.
Mula nang mapansin ang pasa sa kamay at pamamaga ng bukung-bukong ni Trump noong nakaraang buwan, naging usap-usapan ang kanyang kalusugan.
Araw ng Sabado, nanatiling trending si Trump sa Google search at social media platforms, kasabay ng mga tanong tulad ng “Is Trump dead?” at “Trump is dead?”.
Ngunit, wala pang opisyal na pahayag mula sa White House ukol sa anumang emergency sa kalusugan ng Pangulo.
Huling nakita si Trump noong Agosto 24 sa isang hindi inaasahang pagbisita sa Trump National Golf Club sa Virginia, kasama si dating MLB pitcher Roger Clemens.
Noong Agosto 26, nagdaos siya ng isang televised cabinet meeting.
Walang nakatakdang pampublikong aktibidad si Trump sa araw ng Sabado at Linggo ayon sa kanyang itineraryo, ngunit aktibo pa rin siya sa social media, partikular sa Truth Social, kung saan nag-post siya laban sa isang desisyon ng US court ukol sa kanyang tariffs.