-- ADVERTISEMENT --

Washington, USA — Nilagdaan ni US President Donald Trump ang isang executive order na magpapalawig ng 90 araw sa pansamantalang suspensyon ng mas mataas na taripa laban sa China, ilang oras bago ito nakatakdang mag-expire.

Sa ilalim ng kasunduan noong Mayo, ibinaba ng US ang taripa sa Chinese goods sa 30% at ng China sa 10%, na mananatili hanggang Nobyembre 10 o hanggang makamit ang bagong kasunduan.

Kasabay nito, inanunsyo rin ng China sa pamamagitan ng Xinhua na magpapatuloy ito sa 90-araw na suspensyon ng dagdag-taripa simula Agosto 12, at magpapanatili ng 10% na buwis, alinsunod sa napagkasunduan sa Geneva joint declaration.

Ayon sa White House, patuloy ang negosasyon upang ayusin ang kakulangan ng trade reciprocity at naniniwala itong malaking banta sa pambansang seguridad at ekonomiya ng US ang malalaking trade deficits sa China.